ANG MGA LALAKE :)


1. Moody, pero hindi pinapahalata, kasi ayaw namin na maging malungkot pa ang ibang tao sa paligid namin dahil sa kalungkutan namin.

2. Ayaw namin ng nanlalambing, hindi dahil sa tinatamad kami o may nagugustuhan kaming iba, dahil alam naming masama kapag napasobra kami, masyado kayong kumukulit lalo.

3. Sinungaling. Oo sabihin na nilang kami ang pinakamasamang uri ng tao sa mundo pero ginagawa lang naman namin ang pagsisinungaling na ito para maiwasan na masaktan ang inyong mga damdamin. Kung minsan, hindi na lang namin pinapansin kung ano ang nakita namin, para wala ng masyadong usap.

4. Kawawa lalo na sa text lalo na kapag may ginawa daw kaming mali kahit hindi naman namin alam. Dapat kasi, intindihin din sana ang side ng mga lalaki.

5. Mas seloso kami. Natural makikipag-usap kami sa ibang babae, hindi maiiwasan ‘yon. Ang hindi lang alam ng mga babae, kapag may kausap na iba ang mga girlfriend nila, kahit ba babae din ‘yon ay nagseselos rin ang mga lalaki. Babae lang ba may karapatan magselos? Selfish din kami. Hindi lang siguro natural na showy o masalita ang lalaki sa ganyang bagay.

6. Hindi magaling magtago ang mga lalaki. Kung magaling, e bakit nakakapagbigay kayo ng pagseselos? Ibig sabihin may hint na lumabas. Oo sabihin na nating ang puso ninyo ay sa amin lang kahit makakita kayo ng 1M na mas gwapong lalaki, may chance pa rin na sa 1M na ‘yon, may isa din dun na mapupukaw ang atensyon mo. Magaling lang kayo magtago.

7. Pinagmamalaki namin ang mga babae sa buhay namin sa harap ng maraming tao kasi ‘yon ang gusto nila, e. Sunud-sunuran lang kami, wag lang magkaroon ng away. Kung kami tatanungin, mas gusto namin na ipagmalaki sila ng hindi nila alam di dahil gusto namin manglandi ng iba. Gusto namin i-preserve ang babaeng iyon para lang sa amin.

8. Ayaw namin sa mga nililigawan namin ng ubod ng tagal. Nagmumukhang paasa. Pero sa totoo naman paasa lang naman talaga silang lahat sa umpisa. Gusto kasi nila may marinig muna bago kami kilalanin.

9. Kapag maingay kami, sumabay kayo. Gusto namin ng masayang buhay, at ang pagtawa man minsan ay nagsisilbing panandaliang paglimot sa aming mga problema. Gusto namin sa hirap at ginhawa nandiyan ang mga babae, kailangan man ng yakap o ano, basta ang gusto namin kasama lang sila. Tapos.

10. Gustong gusto namin ‘yung mga babaeng malaki ang respeto sa amin, at sa paraang iyon ay rerespetuhin din naman namin sila at ibibigay ‘yung kiss on the forehead na gustong-gusto nila. Tandaan ninyo sanang kung makakagawa man kami ng kaimoralidad sa inyo, siguro dahil nagbibigay kayo ng pagpayag na gawin namin iyon, direct or indirect man.

11. Ang nagpapa-turn on samin ay ‘yung babaeng kayang tumayo sa sarili nilang paa. Ayaw namin ng mga pa-baby effect kasi nakakainis. Ang gusto namin ay ‘yung makakasama sa paglalakbay, hindi ‘yung kailangan mula simula kami ang aalalay.

12. Ayaw namin sa mga babaeng pakipot sa text. Kung mahal ninyo kami, sabihin ninyo. Nakakainis. Para bang alipin ang tingin sa amin — ‘yon pa naman ang ayaw namin.

13. Sobra kaming natutuwa sa mga babaeng nag-eeffort din: kasi nakikita naming naaappreciate lalo ng mga babaeng ganoon ang effort na ginagawa namin para sa kanila. Hindi ‘yung kami na lang ng kami. Hindi sa nagrereklamo kami na napapagod kami, pero kapag ganoon ang nangyayari matutuwa ka bang pinagtatawanan ng ibang tao ang boyfriend mo at tutuksuhing “ander” at “takusa”?

14. Ang pangarap naming mga lalaki ay mapakilala sa mga taong malapit sa buhay niya, hindi para angkinin ang isang babae kundi para malaman ng mga taong iyon kung gaano kami kapursigido na mga lalaki na maging kalahating-bahagi sa buhay ng isang babae.

15. Mas magaling kaming magpretend. Alang-alang itong lahat sa pride namin bilang lalaki. Walang masama kung ayaw ibaba kung minsan ng lalaki ang kanyang pride, dahil ito ang bumubuo sa kanyang pagkalalaki. Kapag mag-isa ang lalaki, hindi man kami umiiyak, kayo ang pumapasok sa isipan namin. Hindi narerealize ito ng mga babae kasi sarili nila ang madalas nilang isipin kung tungkol sa relasyon ang pag-uusapan.




ANG MGA BABAE.....

1. Moody: Inborn na sa mga babae to. Kung badtrip kami, wag niyo nang sasabayan.

2. Pag sinabi naming nagtatampo kami, lambing lang katapat: Yung salitang tampo way lang namin yun para sabihing lambingin niyo kami. Konting I love you niyo lang, okay na kami.

3. Gusto namin yung palagi kaming kino-compliment: Pag may bago sa itsura namin, gusto naming mapansin niyo. Kasi nakakataas ng self-confidence namin yun.

4. Pag napansin niyong naging sersyoso yung mga text namin, may mali: Kapag ganun, may nagawa kayong di namin nagustuhan. Kaya be alert. Kapag sinabe naming wala, meron talaga. Nahihiya lang kami. Kaya pilitin niyo kaming sabihin sa inyo. At pagtapos naming masabi, konting lambing lang. Back to normal na ulit.

5. Selosa kami: Kaya iwasan niyong makipag harutan sa ibang girls. Lalo na sa harapan namin. Pero may ibang babae na tahimik lang kung mag-selos. Inoobserabahan lang kayo. Pero kapag napuno, simula na ng away.

6. Kaming mga babae, normal lang ang ma-attract sa mga gwapo: Hanggang tingin lang kami. Kasi hindi naman na namin makikita ulit. Ma-attract man kami sa 1M lalaki, ang puso namin ay para lang sa tunay naming mahal. Ganun din naman kayong mga lalaki. Kapag nakakita ng maganda at sexy. Magaling lang kayong magtago.

7. Kaming mga babae, pinagmamalaki namin yung mga mahal namin ng hindi nila nalalaman: Katulad nalang sa mga GM (Group Message), Facebook at TUMBLR.

8. Ayaw namin sa mga manliligaw na nagmamadali: Yung tipo ng mga lalaking laging nagtatanong kung kailan ba namin sila sasagutin. Naiirita kami. Kaya dapat maging matiyaga kayo kasi dun namin nalalaman kung sino talaga kayo.

9. Kapag malungkot o tahimik kami, gusto namin ng yakap galing sa inyo: Kasi iba yung pakiramdam kapag hawak niyo na kami. Gumagaan yung pakiramdam namin. :">

10. Gustong gusto namin yung mga lalaking malaki ang respeto samin: Yung tipong pag ayaw namin magpa-kiss, hindi niyo gagawin. Instead, lalambingin ka na lang sa ibang paraan. Ang pinaka gusto naming kiss, kiss on the forehead. It symbolizes, respect.

11. Ang nagpapa-turn on samin ay yung lalaking protective: Yung kapag kasama namin kayo, feeling namin safe na safe kami. Walang mangyayaring masama at hindi kami ilalagay sa panganib.

12. Ayaw namin sa lalaking hanggang text lang: Kung mahal niyo talaga kami, patunayan niyo sa personal. Wag yung sa text lang kayo magaling. Magpaka-lalaki kayo!

13. Sobra kaming natutuwa sa mga lalaking ma-effort: Yung kahit walang special day, feel mo eh special ang araw araw niyo. Kasi sobrang nakakatuwa kapag ang lalaki laging nagpuput in ng effort. Feeling naming babae eh, isa kaming prinsesa.

14. Ang pangarap naming mga babae yung ipapakilala kami ng mga lalaki sa kanilang mga barkada at lalo na sakanilang pamilya: Feeling namin kami na yung pinaka maswerteng babae sa mundo. Kasi iilan lang ang lalaking naglalakas loob ipakilala kami sa parents at barkada nila. Yung iba kasi nahihiya. At feeling din nmin angkin na angkin na namin ang isang lalaki dahil nakilala na namin ang mga taong bumubuo sa buhay niya. :)

15. Magaling kaming mag-pretend: Kapag nasasaktan kami, nagpapaka-manhind kami. Kapag may nakitang di maganda, nagbubulagbulagan kami. Kapag may narinig na mali, nagbibingibingihan kami. Pero kapag mag-isa nalang kami, dun kami naglalabas ng sakit. Dun kami umiiyak. Kaya ang pangarap naming lalaki is yung sensitive enough sa mga nararamdaman namin. Yung kayang magtanong hanggang sa umamin kami.


‎10 uri ng MANLILIGAW

1. Mr. Gwapings - 
mayaman, gwapo, kilala, at higit sa lahat may wheels. mataas ang confidence nya na hindi sya mababasted, kaya pag nabasted..maapektuhan ng husto ang kanyang EGO. at teyk note, malas mo kung may sour grape attitude pa yan. pwede nyang sabihing "sus" kala mo kung sinong maganda e pinagtyatyagaan ko lang naman sya! pwe!"

2. Mr. Quickie - 

ang type ng manliligaw na kada magkikita kayo e wala nang alam na sabihin kundi "kelan mo ba ako sasagutin?" o kaya "i love you na, ako ba hindi mo pa lab?" kahit na isang linggo pa lang naman syang pumoporma. kung baga dinadaan nya sa pangungulit para mabilis ang pagsagot mo.

3. Mr. Everything - 

linya nya ang "sagutin mo lang ako, ibibigay ko sayo lahat, lahat ng magustuhan mo. kahit ang pa buwan o kaya mundo." tanga ka na pag nagpauto ka. dahil pag sinagot mo na yan, makakalimutan na nya ang linyang yan.

4. Mr. Stalker - 

eto yung type ng manliligaw na pag nagkahiwalay kayo e sisimulan ka sa tanong na "kumain ka na ba?" pagkasagot mo susundan pa nya ulit ng tanong "nsan ka ngayon?" "sinong kasama mo?" "anong ginagawa mo?" at kung anu- ano pa. basta tungkol sa daily activities mo kelangan malaman nya.

5. Mr. Take it or leave it - 

pag binasted mo ang ganitong type ng manliligaw, asahan mo bukas may nililigawan na sya ulit. at heto pa, hinding hindi ka na nya papansinin. period.

6. Mr. Salesman - 

dadaanin ka sa matatamis na salita. parang si Mr. Everything din kaya lang sya mas matindi mang-uto. yun bang tipong.."ang ganda ganda talaga ng mga mata mo.." o kaya "ang kinis kinis mo" o kaya "ang lambot ng mga kamay mo" at iba pang pang-uuto mapasagot ka lang.

7. Mr. Good Dog - 

eto ang nakakatuwang manliligaw. kase payag syang magpaalipin. taga bitbit ng bag mo o kahit ng mga kaibigan mo. kahit magmuka syang buntot sa tuwing may gala kayo ng mga barkada mo. napapakitang gilas kung baga. pero pag sinagot mo na, for sure gaganti yan.

8. Mr. Anonymous - 

motto nya ang "action speaks louder than voice". wala kang kaalam-alam, nanliligaw na pala. kaya pala ang bait-bait sayo. e akala mo mabait lang talaga. hehe!

9. Mr. Second chance - 

sya ang pinakamasugid mong manliligaw. kahit 100 tayms mong sabihing ayaw mo sa kanya at wala na syang pag-asa ang sasabihin nya parin "Please give me a second chance"

10. Mr. Romantiko - 

jologs ang mga paraan nya sa panliligaw. manghaharana, pakikisamahan mga barkada mo, liligawan parents mo at laging may dalang flowers and chocolates tuwing dadalaw. pero madalas nakakapagpakilig sya ng nililigawan

GUYS: lam nio n b kung alin keo jan?
GIRLS: Which do you prefer?..


Mga kaugalian ng mga babae.

1.) AYAW ng binababaan ng phone bigla. Mabilis silang mainis sa ganun.

2.) AYAW ng nire-replyan ng "?".
...
3.) Minsan, kapag sinabi niya na gawin mo na lang ginagawa mo, meaning nun ihinto mo ginagawa mo at kausapin mo siya.

4.) AYAW ng inaasar siya kasi pikon siya.

5.) Kapag galit ka, 'wag mo i-ooff ang phone mo dahil automatic 'yan, tatawag siya dahil nag-aalala siya.

6.) Kapag galit siya, suyuin mo siya. Babaan mo ang pride mo dahil malamang, World War III 'yan kapag hinayaan mo na ganun lang mangyayari sa inyo.

7.) Kapag binabaan ka niya ng fone, gumawa ka ng paraan para makausap mo siya. 'wag mo na paabutin ng umaga na walang ginagawa. Dahil iisipin nun na she's not worth your time.

8.) Kapag nagtanong ka kung anong problema niya at sinabi niyang "wala", 'wag kang magsabi ng "okay". Tanungin mo siya ulit. Ayaw nila ng madaling kausap. Gusto nila ng kinukulit sila.

9.) Kapag inaasar ka niya, meaning nun nagla-lambing siya. 'wag kang mapipikon dahil mabilis silang magtampo.

10.) Kapag binigyan ka niya ng oras, 'wag mo sayangin.

Ang babae, pakipot 'yan. Gusto sinusuyo lagi. Gusto lang naman ng lambing niyan kaya nang-aaway o nagpapansin eh.

Minsan talaga, ang babae, mahirap i-pinta. Para silang abstract, magulo pero maganda pa rin. Kung lalake ka at hindi mo alam 'yan, pasensyahan. Nature na 'yan nilang mga babae.

What Causes Relationship Problems?

Neglect and taking people and things for granted.
Being judgmental and critical.
Possessiveness and jealousy.
Lack of trust.
Communication breakdown.
Demanding and needy.
Financial problems.
Sexual and intimacy issues.
Lack of commitment.
Carrying baggage from the past.
Unresolved personal issues.
This list can go on and on. But if you look at each one and contemplate on it, doesn't it reveal that that you are partly responsible?
Unless you learn from your unsuccessful relationships, you are going to go through the same experiences, this time with a different person. This partly explains why some people are on the rebound and become serial monogamists. Some are in their second, third or fourth marriages.
 
Reika Suzuki © 2011 | Designed by iLHONinteractive.